Sunday, April 24, 2011

Zoo

            Nagdadalawang isip ako kung gusto kong mag-blog ngayon dahil tinatamad ako at ayokong alalahanin yung mga animals na nakita ko sa zoo kanina.

            Kanina kasi, after mag mass is kumain kami sa Burger King sa may NLEX highway tapos after nun eh napagtripan namin na pumunta sa Malabon Zoo. 2nd time ko palang makakapunta dun sa zoo na yon at siguro mga 8 or 7 ako huling nakapasok dun. Ayos, 120 yung entrance, dati daw 20 lang.

            Ayun, una kong napansin is yung mga aquarium na nilulumot na. Yun kasi yung nasa entrance, mga isdang hindi mo na makita sa dumi ng tubig. Kung hindi mo pa lalapitan yung aquarium is siguro hindi mo makikita yung fish na galing daw sa Amazon. Then, nakita ko ang pinaka malaking crocodile sa buong buhay ko. Eto honestly namangha naman ako, di ko akalain na umaabot pala ng ganung kalaki yun. Syempre, wala namang masyadong sustansya ang pagtingin sa naturang crocodile dahil hindi naman nya masyadong trip gumalaw at tanging pagbuka lang ng bibig ang ginawa. Namamangha naman yung mga tao everytime na kikilos yung crocodile. Haha.,Tapos nakita din namin yung mga deer o mga usa. Kumpulan lang sila tapos sobrang baho nung lugar. tapos yung mga kakaibang bird nasa kulungan lang na madilim. Nakita rin namin yung brown bear na parang gustong lumabas ng cage dahil siguro sa init o sa dumi nung kulungan nya. Tapos yung peacock, ang ganda talaga pagmasdan nung buntot nito pero nung napansin namin is sira-sira na ng konti yung feathers ng buntot nya dahil ang liit nung kulungan nya. Hindi sila masyadong makagalaw at siguro tumama na yung feathers nya sa wall sa sikip.

           Nabisita rin namin yung mga tigers, ang dami. Pasado naman dahil mukhang malinis at spaceous naman yung place nila. Eto talaga sobrang naawa ako, nung makita ko yung 2 orangutan na parang mga preso na nakakulong dun sa cage nila. Kung hindi mo lalapitan yung cage eh aakalain mong walang laman yung madilim na kulungan na yun. Makikita mo sa mukha nila na parang hindi sila naaalagaan ng maayos. Naawa talaga ko sa kanila. Ayos din naman yung zoo, makikita mo rin dito: 45 days na manok, duck, manok ulit (siguro panabong), rabbit, dagang costa, at pigeon. haha.,di ko expected na makikita ko yan sa zoo dahil parang everyday eh makikita ko yan sa labas ng bahay namin.

           Nakita ko rin kung pano iaattract ng peacock yung partner nya na parang vinavibrate nya yung feathers nyang makulay. Eto talaga ang galing. haha.,

           Medyo naawa naman ako dun sa 3 manok na nilagay nila dun sa loob ng kulungan nung 3 o 4 siguro na sawa. Hinihintay nung mga tao na kainin yung 3 manok. Take note buhay sila. Napaka cruel kasi buhay pa,  buti sana kung pinatay muna nila eh but no, makikita mo kung pano patayin yung mga manok na walang kalaban laban...at nagmumuka na kong PETA sa reaction ko, pero sadyang maawain lang ako sa hayop..pwera lang sa ipis, lamok at daga.

           Alam mo, imbis na matuwa ka sa mga nakita mong mga hayop eh maawa ka pa. Ako, sa sarili ko, kulang pa yung 120 na binayad mo dahil sweldo palang yun ng empleyado, eh hindi pa naman ganoon karami yung pumupunta dun, siguro off-season. Pano nalang yung mga pagkain nung mga hayop sa pang-araw-araw?
Naawa talaga ko, kung pwede lang silang itakas dun eh gagawin ko. Pano naman kasi makakaatract ng maraming tao kung ganun naman yung maintenance ng zoo nila? I'm not blaming them dahil mahirap talaga mag maintain ng mga ganun. Sana lang eh kahit papano eh pag-laanan sila ng budget ng gobyerno para sa ikagaganda ng zoo. Konti na nga lang yung mga ganyang type ng tourist spot dito sa atin kaya sana kahit papano eh mapaganda at maiayos yung mga pasyalan dito. Sana lang din eh ilagay natin yung sarili natin sa kanila, dahil sila din gusto nila ng maayos na buhay.Kung pwede lang palayain nalang sila kung ganun lang din naman yung makikita mo dun. Yun lang, sana lang eh maging maayos. Palitan nila yung kulungan dahil luma na. Pagtuunan din sana sila ng pansin ng gobyerno dahil ang mga ganitong pasyalan ay pwede rin nating maipagmalaki sa mundo. period.

No comments:

Post a Comment