Nostalgic. Parang kaylan lang nung una kong napagtripan ang libro tungkol kay Rizal na pakalat-kalat lang dito sa bahay. Walang magawa kaya sinubukan kong iexplore ang buhay nya nung bakasyon kami. Natapos ko yung libro at hindi ko talaga tinigilang basahin at siguro natapos ko yun ng dalawang araw. Nagkaron ako ng malaking interes kay Pepe. Nag-search din ako kay Mr.Google ng tungkol sa kanya. Medyo nagkaroon ako ng pagkakaabalahan nung bakasyon na yun. It's been what..? 2 years ago?
Wala naman akong pakialam kay Rizal noon. Ano naman sa akin kung siya nga ang national hero natin.,eh hindi naman close? Anyway, simula nung binasa ko yung libro na yun eh unti-unti kong nakilala nga itong si Pepe, masasabi kong medyo naging close na kami kahit papano.
Aba, ang galing pala ni Jose, biruin mo, sa napakabatang gulang nya eh ang dami na nyang nagawa na hindi kayang gawin na kung sino mang kabataan dito sa atin ngayon. Kung mapapansin mo, puro gadgets ang hawak ng mga kabataan ngayon, PSP, DS, cellphone, Ipad, Ipod, Iphone at kahit ano pang may "I" sa una. Samantalang si Jose eh libro at yung ballpen nyang sinasawsaw ang hawak. Iba rin ang hobby nitong si Pepe dati, kagaya rin naman siya ng mga teens ngayon, may play time din sya dun sa kubo nila sa likod bahay. Madalas naman siyang tinuturuan ng nanay nya na magdasal, magbasa, magsulat at kasama na rin ang mga gawaing bahay. Sa murang edad eh nakagawa na siya ng mga tula at nakapagsculpt na sya ng statue ni Christ.
Galing no? Meron pa kayang mga kabataan ngayon na parang siya? Kung nabubuhay kaya si Rizal ngayon?
Mas lalong nadagdagan ang interes ko dito kay pareng Rizal nung malaman ko nung bakasyon ko na isa sa mga subject na pwede kong kunin eh yung Rizal namin. Go kaagad. Nabasa ko na yung buong libro, siguro kahit papano eh makakasagot ako sa Prof ko.
Marami akong natutunan sa subject namin. Sobra. Eto na yata yung pinaka intersanteng subject na ginugulan ko talaga ng pansin nitong college life ko. Alam mo yung papasukan mo lang yung isang subject dahil kailangan kahit wala ka namang interes?
Hayaan mo kong ipagyabang na noong klase namin sa Rizal eh ako ang pinaka may alam. Tinawag nila akong "nerd" dahil ang dami ko daw alam kay Rizal. (duh, basahin mo ba naman yung buong book bago ituro). Nung minsan eh nagpaka quiz bee si Prof namin na itatago natin sa pangalang Sir Gerard. Ayun, pinag-agawan ako ng mga barkada ko na sumama sa group nila. Paunahang sumagot sa board. Syemay, nasagot ko naman yung mga tanong. Tapos final round, pina enumerate sa amin yung magkakapatid na Rizal. Sige sulat ako. Kabisado ko kaya yun. Yung kalaban ko tumigil sa pagsusulat sa board ako diretso lang. ayun, kami nanalo. Natuto na kami, nagkaroon pa ko ng star wars na figure. yey!
Ang saya talaga nung subject namin. Sobrang galing pa ng Prof. Nagkaroon kami ng project sa Rizal which is kailangan naming puntahan yung mga lugar na may connection kay Rizal. Eto yung mga naalala ko na pinuntahan namin. Parang field trip din. Ang saya. sobra.
1. Ateneo Municipal de Manila (Intramuros) - ayan. yan yung unang school ni Rizal sa Maynila. Nasa loob yan ng Intramuros pero kung hahanapin mo yan dun eh ang aabutan mo lang eh yung Clamshell dahil yun yung dating Ateneo.
Ateneo Municipal de Manila
2. Kilometer 0 (Luneta) - eto daw yung reference kapag sinusukat yung distances. Ayan. Katapat lang yan yung Statue ni Rizal sa Luneta.
KM 0
3. Rizal park (Luneta) - Nung unang day sarado yung place na may mga malalaking statue kaya second day kami nagpunta. Marami ring makikita dito like yung mga giant statues ni Rizal.
Rizal Park
4. Paco Cemetery - This was the first burial place of Rizal. May story pa na hinalukay ng aso yung body nya then kinuha yung isang shoe nya.
Rizal's tomb
5. Rizal in UP- eto yung pinaka mahirap kasi di ka basta basta pwedeng pumasok sa UP. Kaya ayun, buti may friend si Joshua dito kaya nakapasok kami.
Kanina lang eh ipinalabas sa GMA yung movie ni Rizal starring Cesar Montano. Nagpaiwan talaga ko sa kanila para lang mapanood to, idinamay ko pa yung mga kasambahay namin sa kalokohan ko. Syempre, namangha naman ako sa movie at medyo nanggilid ang tears ko nung pinatay sya. affected? haha.,tangina kasing mga kastila yan.
I'll end my post here kasi nadrain na ang isip ko. Ang dami pang kwento about kay Rizal pero hindi mo ma susum-up sa blog lang. Anyway, To Rizal, I salute you.
It is a useless life that is not consecrated to a great ideal. It is like a stone wasted on the field without becoming a part of any edifice.
pagpapatunay na si Rizal ang pinaka unang "emo" sa Pinas. haha., :)
ang "emo" walang pake-alam sa mundo! si rizal may pake-alam sa sa mundo!
ReplyDelete