Sunday, April 24, 2011

Zoo

            Nagdadalawang isip ako kung gusto kong mag-blog ngayon dahil tinatamad ako at ayokong alalahanin yung mga animals na nakita ko sa zoo kanina.

            Kanina kasi, after mag mass is kumain kami sa Burger King sa may NLEX highway tapos after nun eh napagtripan namin na pumunta sa Malabon Zoo. 2nd time ko palang makakapunta dun sa zoo na yon at siguro mga 8 or 7 ako huling nakapasok dun. Ayos, 120 yung entrance, dati daw 20 lang.

            Ayun, una kong napansin is yung mga aquarium na nilulumot na. Yun kasi yung nasa entrance, mga isdang hindi mo na makita sa dumi ng tubig. Kung hindi mo pa lalapitan yung aquarium is siguro hindi mo makikita yung fish na galing daw sa Amazon. Then, nakita ko ang pinaka malaking crocodile sa buong buhay ko. Eto honestly namangha naman ako, di ko akalain na umaabot pala ng ganung kalaki yun. Syempre, wala namang masyadong sustansya ang pagtingin sa naturang crocodile dahil hindi naman nya masyadong trip gumalaw at tanging pagbuka lang ng bibig ang ginawa. Namamangha naman yung mga tao everytime na kikilos yung crocodile. Haha.,Tapos nakita din namin yung mga deer o mga usa. Kumpulan lang sila tapos sobrang baho nung lugar. tapos yung mga kakaibang bird nasa kulungan lang na madilim. Nakita rin namin yung brown bear na parang gustong lumabas ng cage dahil siguro sa init o sa dumi nung kulungan nya. Tapos yung peacock, ang ganda talaga pagmasdan nung buntot nito pero nung napansin namin is sira-sira na ng konti yung feathers ng buntot nya dahil ang liit nung kulungan nya. Hindi sila masyadong makagalaw at siguro tumama na yung feathers nya sa wall sa sikip.

           Nabisita rin namin yung mga tigers, ang dami. Pasado naman dahil mukhang malinis at spaceous naman yung place nila. Eto talaga sobrang naawa ako, nung makita ko yung 2 orangutan na parang mga preso na nakakulong dun sa cage nila. Kung hindi mo lalapitan yung cage eh aakalain mong walang laman yung madilim na kulungan na yun. Makikita mo sa mukha nila na parang hindi sila naaalagaan ng maayos. Naawa talaga ko sa kanila. Ayos din naman yung zoo, makikita mo rin dito: 45 days na manok, duck, manok ulit (siguro panabong), rabbit, dagang costa, at pigeon. haha.,di ko expected na makikita ko yan sa zoo dahil parang everyday eh makikita ko yan sa labas ng bahay namin.

           Nakita ko rin kung pano iaattract ng peacock yung partner nya na parang vinavibrate nya yung feathers nyang makulay. Eto talaga ang galing. haha.,

           Medyo naawa naman ako dun sa 3 manok na nilagay nila dun sa loob ng kulungan nung 3 o 4 siguro na sawa. Hinihintay nung mga tao na kainin yung 3 manok. Take note buhay sila. Napaka cruel kasi buhay pa,  buti sana kung pinatay muna nila eh but no, makikita mo kung pano patayin yung mga manok na walang kalaban laban...at nagmumuka na kong PETA sa reaction ko, pero sadyang maawain lang ako sa hayop..pwera lang sa ipis, lamok at daga.

           Alam mo, imbis na matuwa ka sa mga nakita mong mga hayop eh maawa ka pa. Ako, sa sarili ko, kulang pa yung 120 na binayad mo dahil sweldo palang yun ng empleyado, eh hindi pa naman ganoon karami yung pumupunta dun, siguro off-season. Pano nalang yung mga pagkain nung mga hayop sa pang-araw-araw?
Naawa talaga ko, kung pwede lang silang itakas dun eh gagawin ko. Pano naman kasi makakaatract ng maraming tao kung ganun naman yung maintenance ng zoo nila? I'm not blaming them dahil mahirap talaga mag maintain ng mga ganun. Sana lang eh kahit papano eh pag-laanan sila ng budget ng gobyerno para sa ikagaganda ng zoo. Konti na nga lang yung mga ganyang type ng tourist spot dito sa atin kaya sana kahit papano eh mapaganda at maiayos yung mga pasyalan dito. Sana lang din eh ilagay natin yung sarili natin sa kanila, dahil sila din gusto nila ng maayos na buhay.Kung pwede lang palayain nalang sila kung ganun lang din naman yung makikita mo dun. Yun lang, sana lang eh maging maayos. Palitan nila yung kulungan dahil luma na. Pagtuunan din sana sila ng pansin ng gobyerno dahil ang mga ganitong pasyalan ay pwede rin nating maipagmalaki sa mundo. period.

Thursday, April 21, 2011

In Death There is Rest

             Nostalgic. Parang kaylan lang nung una kong napagtripan ang libro tungkol kay Rizal na pakalat-kalat lang dito sa bahay. Walang magawa kaya sinubukan kong iexplore ang buhay nya nung bakasyon kami. Natapos ko yung libro at hindi ko talaga tinigilang basahin at siguro natapos ko yun ng dalawang araw. Nagkaron ako ng malaking interes kay Pepe. Nag-search din ako kay Mr.Google ng tungkol sa kanya. Medyo nagkaroon ako ng pagkakaabalahan nung bakasyon na yun. It's been what..? 2 years ago?

            Wala naman akong pakialam kay Rizal noon. Ano naman sa akin kung siya nga ang national hero natin.,eh hindi naman close? Anyway, simula nung binasa ko yung libro na yun eh unti-unti kong nakilala nga itong si Pepe, masasabi kong medyo naging close na kami kahit papano.

            Aba, ang galing pala ni Jose, biruin mo, sa napakabatang gulang nya eh ang dami na nyang nagawa na hindi kayang gawin na kung sino mang kabataan dito sa atin ngayon. Kung mapapansin mo, puro gadgets ang hawak ng mga kabataan ngayon, PSP, DS, cellphone, Ipad, Ipod, Iphone at kahit ano pang may "I" sa una. Samantalang si Jose eh libro at yung ballpen nyang sinasawsaw ang hawak. Iba rin ang hobby nitong si Pepe dati, kagaya rin naman siya ng mga teens ngayon, may play time din sya dun sa kubo nila sa likod bahay. Madalas naman siyang tinuturuan ng nanay nya na magdasal, magbasa, magsulat at kasama na rin ang mga gawaing bahay. Sa murang edad eh nakagawa na siya ng mga tula at nakapagsculpt na sya ng statue ni Christ.

                                       Rizal's statue: "The Sacred Heart of Jesus"

          Galing no? Meron pa kayang mga kabataan ngayon na parang siya? Kung nabubuhay kaya si Rizal ngayon?

           Mas lalong nadagdagan ang interes ko dito kay pareng Rizal nung malaman ko nung bakasyon ko na isa sa mga subject na pwede kong kunin eh yung Rizal namin. Go kaagad. Nabasa ko na yung buong libro, siguro kahit papano eh makakasagot ako sa Prof ko.

           Marami akong natutunan sa subject namin. Sobra. Eto na yata yung pinaka intersanteng subject na ginugulan ko talaga ng pansin nitong college life ko. Alam mo yung papasukan mo lang yung isang subject dahil kailangan kahit wala ka namang interes?

           Hayaan mo kong ipagyabang na noong klase namin sa Rizal eh ako ang pinaka may alam. Tinawag nila akong "nerd" dahil ang dami ko daw alam kay Rizal. (duh, basahin mo ba naman yung buong book bago ituro). Nung minsan eh nagpaka quiz bee si Prof namin na itatago natin sa pangalang Sir Gerard. Ayun, pinag-agawan ako ng mga barkada ko na sumama sa group nila. Paunahang sumagot sa board. Syemay, nasagot ko naman yung mga tanong. Tapos final round, pina enumerate sa amin yung magkakapatid na Rizal. Sige sulat ako. Kabisado ko kaya yun. Yung kalaban ko tumigil sa pagsusulat sa board ako diretso lang. ayun, kami nanalo. Natuto na kami, nagkaroon pa ko ng star wars na figure. yey!

         Ang saya talaga nung subject namin. Sobrang galing pa ng Prof. Nagkaroon kami ng project sa Rizal which is kailangan naming puntahan yung mga lugar na may connection kay Rizal. Eto yung mga naalala ko na pinuntahan namin. Parang field trip din. Ang saya. sobra.


1. Ateneo Municipal de Manila (Intramuros) - ayan. yan yung unang school ni Rizal sa Maynila. Nasa loob yan ng Intramuros pero kung hahanapin mo yan dun eh ang aabutan mo lang eh yung Clamshell dahil yun yung dating Ateneo.

                                 
                                        Ateneo Municipal de Manila

2. Kilometer 0 (Luneta) - eto daw yung reference kapag sinusukat yung distances. Ayan. Katapat lang yan yung Statue ni Rizal sa Luneta.


                                                  
                                                        KM 0

3. Rizal park (Luneta) - Nung unang day sarado yung place na may mga malalaking statue kaya second day kami nagpunta. Marami ring makikita dito like yung mga giant statues ni Rizal.


                                                         Rizal Park

4.  Paco Cemetery -  This was the first burial place of Rizal. May story pa na hinalukay ng aso yung body nya then kinuha yung isang shoe nya.

                                                  Rizal's tomb

5. Rizal in UP- eto yung pinaka mahirap kasi di ka basta basta pwedeng pumasok sa UP. Kaya ayun, buti may friend si Joshua dito kaya nakapasok kami.


             Kanina lang eh ipinalabas sa GMA yung movie ni Rizal starring Cesar Montano. Nagpaiwan talaga ko sa kanila para lang mapanood to, idinamay ko pa yung mga kasambahay namin sa kalokohan ko. Syempre, namangha naman ako sa movie at medyo nanggilid ang tears ko nung pinatay sya. affected? haha.,tangina kasing mga kastila yan.

            I'll end my post here kasi nadrain na ang isip ko. Ang dami pang kwento about kay Rizal pero hindi mo ma susum-up sa blog lang. Anyway, To Rizal, I salute you.




It is a useless life that is not consecrated to a great ideal. It is like a stone wasted on the field without becoming a part of any edifice.






                     pagpapatunay na si Rizal ang pinaka unang "emo" sa Pinas. haha., :)


Tuesday, April 19, 2011

Ano Bang Pwedeng Pag-usapan?

   Ayan, sobrang walang laman ang utak ko ngayon. as in. Ano kayang magandang pag-usapan?
             Sige simulan ko sa sarili ko. Ako nga pala si *toot. Itago mo nalang ako sa pangalang "Nowhere Boy". Nakatira ako sa Bulacan at kasalukuyang nag-aaral sa MIT. Mahilig akong magjournal sa aking munting notebook sa bag ko dahil most of the time eh bored to hell ako.

I'd Love To Turn You On

         Hi. Dahil first time kong mag-bblog ngayon eh allow me to first introduce myself. Ako nga pala si Nowhere Boy, o ang batang walang patutunguhan, kagaya ng blog na to. Wala lang akong magawa sa buhay at siguro dahil dala na rin ng boredom eh kaya ko napilit ang sarili ko na bumuo ng isang blog site. Ewan. Basta.

         Hindi ako mag-iingles dahil hindi naman ako susyal pero huwag niyo rin namang isipin na may kabobohan ako (minsan lang). Haaaaayyyy.. bakit nga ba kayo mag-wawaste ng time magbasa ng blog ko? Kung nakaabot ka sa part na to eh congrats at natiis mong basahin ang mga walang kwentang nilalaman ng walang kwentang blog na to. Hindi ko kayo pipiliting basahin kung ano man ang nilalaman nito dahil wala naman kayong makukuhang sustansya kaya ngayon palang eh i-close mo na tong blog ko. Eh tutal nagwaste ka na rin ng ilang minuto sa kakabasa dito at wala ka pa ring makuhang point eh fine. I'll start with my name.

         "Nowhere Boy", galing to dun sa movie about kay John Lennon. Ayun. Sobrang gusto ko kasi ng Beatles at lalong lalo na ang Local counterpart nila na Eraserheads. 

            "He's a real nowhere man, Sitting in his Nowhere Land, Making all his nowhere plans for nobody."

            Sa blog ko na to eh makikita nyo ang aking daily adventures bilang si Nowhere Boy. Malay mo makarelate ka din sakin. I'll try to make the blog informal para hindi magmukang bibliography ng isang seryosong tao. Masasaksihan nyo kung gano ka-boring ang buhay ko most of the time. Kaya stay tune sa kung anong mangyayari sa akin. Ok?